"Lahat tayo hati, di nga lang nakakalipad ang iba."
From the back cover:
"Aswang ka ba?
Narinig mo na ba ang alamat ng bakla?
May pag-asa pa ba ang Pilipinas?"
Eleksyon, 2010. Isang baklang impersonator, si Amapola, ang naging manananggal at nakatanggap ng propesiya na siya ang itinakdang magliligtas sa Pilipinas. Ang naghatid ng balita: si Emil, isang pulis na Noranian. Ang pasimuno ng balita: si Sepa, ang lola sa tuhod ni Amapola, na nanggaling pa sa panahon ng Kastila at may unrequited love noon kay Andres Bonifacio.
Ang ikalawang nobela ni Ricky Lee ay isang hati-hating tingin sa buhay at pag-ibig ni Amapola at ang kanyang mga mahal sa buhay, at sa buhay at pag-ibig na rin ng mga taong gusto nating pakialaman, dito sa bansang tinatawag nating Pilipinas, sa isang panahong halos humihingi tayo ng mga kababalaghan. At donuts.