Mula sa Paunang Salita:
"Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Sentenaryo ng Rebolusyong 1896, naisipan naming magsagawa ng isang proyektong magsasalin ng ningning ng diwa ng rebolusyon sa kasalukuyang panahon. At ang pagisisnop ng karanasan ng mga grupong pandulaan na nakisangkot at patuloy na nakikisangkot sa pagsusulong ng tunay na pagbabago sa lipunan na inakala naming mainam na proyekto para sa gayong layunin."
"Ang antolohiyang ito ay patunay lamang na ang diwa ng rebolusyon at paghihimagsik ay patuloy paring pumipintig sa iba't ibang anyo ng madulang pamamahayag. Patuloy pa rin ang pagkilos para ibangon ang isang tunay na malaya at makatarungang lipunan para sa lahat."