"Trip to Quiapo: Scriptwriting Manual" ni Ricky Lee

     Sa Trip to Quiapo ay ibinabahagi ni Ricky Lee lahat ng kanyang natutunan sa loob ng maraming taong pagsusulat ng script sa pelikula at sa TV, pagtuturo ng scriptwriting sa UP at Ateneo, at pagku-conduct ng libreng scriptwriting workshops mula pa noong 1982. Karamihan sa mga kilalang pangalan ngayon sa pelikula at sa TV ay nagsimula sa kanyang mga workshop.
     Step-by-step na ipinakikita sa librong ito ang pagsulat ng script, pormal man o alternatibo, mula concept hanggang final draft. Naririto rin ang iba't ibang payo at insight ng mahigit 60 scriptwriter, director at producer na ininterbyu para sa librong ito. Gayundin ang mga cartoon, komiks at illustration na ginawa nina Jess Abrera, Romy Buen, Beth Chionglo, Vincent Kua Jr., Topel Lee, Roxlee, Nonoy Marcelo at Ely Buendia ng Eraserheads.
     Meron ding excerpts mula sa 18 produced scripts, writing exercises, biography ng anim na screenplays, guide para sa evaluation ng scripts, anecdotes, tips sa pagsusulat at mahigit sandaang movie stills.