"Trip to Quiapo: Scriptwriting Manual" ni Ricky Lee

     Sa Trip to Quiapo ay ibinabahagi ni Ricky Lee lahat ng kanyang natutunan sa loob ng maraming taong pagsusulat ng script sa pelikula at sa TV, pagtuturo ng scriptwriting sa UP at Ateneo, at pagku-conduct ng libreng scriptwriting workshops mula pa noong 1982. Karamihan sa mga kilalang pangalan ngayon sa pelikula at sa TV ay nagsimula sa kanyang mga workshop.
     Step-by-step na ipinakikita sa librong ito ang pagsulat ng script, pormal man o alternatibo, mula concept hanggang final draft. Naririto rin ang iba't ibang payo at insight ng mahigit 60 scriptwriter, director at producer na ininterbyu para sa librong ito. Gayundin ang mga cartoon, komiks at illustration na ginawa nina Jess Abrera, Romy Buen, Beth Chionglo, Vincent Kua Jr., Topel Lee, Roxlee, Nonoy Marcelo at Ely Buendia ng Eraserheads.
     Meron ding excerpts mula sa 18 produced scripts, writing exercises, biography ng anim na screenplays, guide para sa evaluation ng scripts, anecdotes, tips sa pagsusulat at mahigit sandaang movie stills.

"Si Tatang at mga Himala ng Ating Panahon: Koleksiyon ng mga Akda ni Ricky Lee (Special Edition)"

     Kasama ang ilang maikling kuwento tulad ng Servando Magdamag at Kabilang sa mga Nawawala, mga artikulo, at ang screenplay ng Himala, ang CNN Viewers' Choice as Best Asia-Pacific Film of all time.
     Para sa bagong panahon, may mga dagdag na bagong retrato at drawings, at updates ni Ricky Lee sa ilang artikulo.
      Tampok ang photography nina Richard Gomez at Chanda Romero.

"Para Kay B" by Ricky Lee

NOW AVAILABLE!

"Me quota ang pag-ibig. Sa bawat limang umiibig ay isa lang ang magiging maligaya. Kasama ka ba sa quota?"

Blurbs from the back of the book:

"Weeks after reading the novel, Ricky Lee's characters continue to haunt me... [T]hey mesmerize, seduce, and provoke. There is hardly anything orthodox about them or the style in which their stories were written, but they are all so compelling because at the core of Ricky's work is the universal, irresistible yearning to find love—no matter how flawed, painful, or even dangerous—as long as it makes us hope that it's worth it. And it is. I wish I could film this novel, but not before I relish re-reading it again and again for its literary wizardry!" - Marilou Diaz-Abaya, Filmmaker and educator

 "Namumukod ang mga akda ni Ricky Lee sa lalim ng pagdalumat at mapangahas na teknik. Nangunguna rin siya sa masikap na paglalapat ng teoryang pampolitika sa kanyang mga binabasa at isinusulat." - Bienvenido Lumbera, National Artist for Literature

"Ricky Lee is one of the best Filipino writers ever, bar none. This long overdue novel will prove that he rules on the page as well as on the screen." - Ely Buendia, Musician

 "Hindi ko mabitiwan and nobelang ito maski ihing-ihi na ako. Minsan paumpisa na ang Boy & Kris at hinahanap na ako ni Kris, but I just couldn't stop reading. Ricky Lee is one of the best storytellers of this generation. Formidable and vulnerable at the same time. His fiction is truthful. Para Kay B is hilarious, painfully real, infinitely fascinating, riveting and is deftly crafter by a master. The characters are totally insane, just like you, me and Love." - Boy Abunda, Media personality