Sining ng Sineng Filipino Young critics circle
Sa ating panahon, hindi maikakaila na ang pang araw-araw na buhay ay nakapaloob sa palabas. Ang palabas na ito, bagama't namumukod-tangi bilang isang anyo ng espektakulo, ay nakahabi na sa pangkaraniwang gawi. Kalimitan, hindi na ito napapansin bilang isang puwersa na nagkakaroon ng saysay at kabuuan dahil dinaranas at inuunawa ng indibidwal at kolektibong pagtanggap.